Live
Back to Home
Regions

Libreng Chemotherapy Center sa Laguna, bubuksan sa Abril

NI Cyrill Quilo

adminFebruary 7, 20261 min read0 viewsFeb 7, 2026
Libreng Chemotherapy Center sa Laguna, bubuksan sa Abril

MAGSISIMULA na ngayong darating na Lunes, Pebrero 9, 2026 ang papagpaparehistro para sa kauna-unahang chemotherapy center ng Laguna.

Kasunod ito sa anunsiyo ni Laguna Governor Sol Aragones  na paghahanda sa pagbubukas ng Chemotherapy  Center sa Laguna Medical Center sa darating na Abril 2026.

Hinihikayat ang mga Lagunenseng pasyente na magparehistro simula  alas-9 ng umaga  hanggang alas-4 ng hapon na gaganapin sa Provincial Health Office PHO sa Sta. Cruz , Laguna.

Dadalhin lamang ang treatment plan ng pasyente na sasailalim sa chemotherapy o kung wala naman ay maaaring magpatingin sa Oncologist .

Share:

Related Articles