Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Regions

3 Patay, 7 sugatan sa pamamaril sa eskwelahan sa South Cotabato

NI Edward VillosoSeptember 18, 20262 min read3 views10 hours ago
3 Patay, 7 sugatan sa pamamaril sa eskwelahan sa South Cotabato

TATLO ang iniulat na patay habang pito ang sugatan matapos ang pamamaril sa loob ng Banga National High School sa Barangay Benitez, Banga, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Batay sa paunang ulat ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nangyari ang insidente dakong alas-1:18 ng hapon.

Umani umano ng karahasan ang dating alitan ng dalawang estudyante na nagkaroon ng komprontasyon sa loob ng paaralan.

Kapwa umano armado ang dalawang estudyante nang magsimula ang pamamaril. Isa sa kanila ang kabilang sa mga iniulat na nasawi at nasugatan sa insidente.

Pito pang estudyante ang nagtamo ng sugat at agad na isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City para malapatan ng lunas.

Bilang pag-iingat, sinuspinde ng Banga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang klase sa lahat ng antas sa buong bayan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at pananagutan ng mga sangkot.

Nagpaabot naman ng pag-aalala ang Department of Education (DepEd) at nakikipag-ugnayan sa Schools Division Office, Regional Office, lokal na pamahalaan at law enforcement agencies kaugnay ng insidente.

Tiniyak ng DepEd na prayoridad nito ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at school personnel at nakahanda itong magbigay ng psychological first aid at mental health at psychosocial support sa mga naapektuhan.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Share:

Related Articles