PAHAYAG NI VP SARA 07 September 2026
Mga kababayan,
Napakarami sa inyo ang nagpadala ng mga mensahe ng suporta, panalangin, at pag-aalala. Sa sobrang dami ng mensahe ay hindi ko na masagot ang bawat isa. Sa taumbayan lamang ang tiwala ko, at malaki ang aking pasasalamat dahil patuloy ang inyong pagtitiwala sa kabila ng walang tigil na political harassment mula sa administrasyon ni Marcos.
Marami rin ang nagsabi na nai-stress na sila sa impeachment at sa mga kasong kinakaharap ko.
Gusto kong ipaabot sa inyong lahat na hindi ninyo kailangang mag-alala at huwag kayong ma-pressure. Hawak man ni Marcos ang mga senador, fiscal, huwes, at mga pulis,
napakaraming abogado naman ang tumutulong sa akin upang ipaglaban at mapanalo ang mga kasong ito.
Ang totoong pressure ay ang kahihiyan na napakaliit ng aking naitutulong sa pagdurusa ninyo ngayon.
Sa bawat paglangoy ninyo sa baha, sa kagutuman ng inyong mga anak, sa hirap na dinaranas ninyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at iba’t ibang pasaning dulot ng administrasyon ni Marcos—nararamdaman kong hindi sapat ang aking nagagawa upang maibsan ang inyong paghihirap.
Ang totoong pressure ay ang maging isang opisyal ng gobyerno habang nakikita ko na si Marcos at ang ilan pang mga opisyal ay tila sariling interes lamang ang inuuna, sa halip na kapakanan ng bawat Pilipino.
Ang totoong pressure ay ang makasaysayan na pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar, na ngayon ay nasa 62.77 pesos na.
Ang totoong pressure ay ang nawala ninyong tiwala sa pamahalaan.
Busa, daghang salamat kaninyong tanan, sa inyong pagsalig, suporta, ug mga pag-ampo. Dili ko kamo kalimtan. Padayon nakong buhaton nga ibalik ang tapang at malasakit para sa atong nasud.
Shukran
Sep 8, 2026