Date
Time
CityLoading...
Weather--°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Nation

PNP nagbukas ng Hotline sa impormasyon sa kinaroroonan ni Bato

NI Alex dela CruzOctober 28, 20262 min read13 viewsOct 28, 2026
PNP nagbukas ng Hotline sa impormasyon sa kinaroroonan ni Bato

NAGLUNSAD ang Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules ng mga hotline na maaaring tawagan ng publiko upang magbigay ng beripikadong impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na ngayoy wanted dahil sa International Criminal Court (ICC) arrest warrant.

Kasunod ito ng anunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla noong Biyernes tungkol sa P50-milyong pabuya para sa ikadarakip ng senador.

Sa isang press conference, inilatag ni PNP Public Information Chief Col. Allen Rae Co ang mga sumusunod na hotline number:
Globe: 0927-307-3501
Globe: 0995-512-2729
Globe: 0945-611-5926
Smart: 0999-361-9878
Smart: 0960-692-3025
Ayon kay Co, bukas ang mga hotline 24 oras kada araw simula Miyerkules.

Maaari ring tumawag ang publiko sa 911 upang mag-ulat ng beripikadong impormasyon hinggil sa lokasyon ni Dela Rosa.

Nagbabala naman si Co na maaaring maharap sa kasong kriminal ang mga tatawag na magbibigay ng maling impormasyon o gagamit sa mga hotline bilang biro.

“Opisyal na kagamitan ito ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas.

Ang mga numerong ito ay hindi dapat paglaruan dahil maaari kayong managot sa batas,” ani Co.

Samantala, sinabi ni Co na wala pa silang bagong impormasyon kaugnay ng posibleng pagsuko ng senador.

Patuloy rin umano ang negosasyon sa sinasabing armadong grupong nagpoprotekta kay Dela Rosa, na pinaghahanap ng ICC.

Umalis si Dela Rosa sa gusali ng Senado noong madaling-araw ng Mayo 14 matapos maglabas ang ICC ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa umano'y pagkakasangkot niya sa madugong kampanya kontra ilegal na droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang ang senador sa mga personalidad na tinukoy bilang mga umano'y kapwa responsable sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte sa ICC.

Nagsilbi si Dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police mula 2016 hanggang 2018.

Batay sa imbestigasyon ni dating ICC prosecutor Karim Khan, tinatayang nasa 12,000 hanggang 30,000 indibidwal ang nasawi sa madugong kampanya kontra ilegal na droga noong administrasyon ni Duterte.

Share:

Related Articles