Live
Back to Home
Metro

17 puganteng Tawainese na sangkot sa online scam,  ipinadeport ng BI

NI Alex dela Cruz

adminJanuary 26, 20261 min read0 viewsJan 26, 2026
17 puganteng Tawainese na sangkot sa online scam,  ipinadeport ng BI

NASA 17 pugante na sangkot sa isang malawakang operasyon ng online financial scam ang pina-deport ng  Bureau of Immigration (BI) nitong Enero 21 ng umaga ang isinakay ng isang direktang flight patungong Taipei, matapos ma-tag bilang mga undesirable alien ng BI.

Ito ay matapos ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. makaraang manindigan na ang Pilipinas ay hindi gagamitin bilang ligtas na kanlungan ng mga dayuhang sindikato na gumagamit ng teknolohiya upang mandaya sa mga biktima .

Ang mga ipinatapon na dayuhan ay natimbog  sa isang magkasanib na operasyon noong Mayo ng nakaraang taon ng National Bureau of Investigation Special Task Force (NBI-STF), ang NBI Cybercrime Division (NBI-CCD), at mga pwersa ng paniktik ng gobyerno sa isang upscale subdivision sa Cebu City na nagsasagawa ng online finance scam hub.

Nahuli ang mga indibidwal sa mga operasyon, aktibong nagbabantay sa mga workstation at nagsasagawa ng mga operasyon ng panloloko nang walang kinakailangang visa o permit, na direktang paglabag sa mga batas ng imigrasyon sa Pilipinas. Kinumpirma ng digital forensic examination ang pagkakaroon ng mga romance at investment scam script, mga messaging platform, at iba pang mga tool na ginagamit upang linlangin ang mga biktima.

Ilan sa mga na-deport ay nakumpirma ring may mga standing warrant of arrest sa ibang bansa.

"Ang mapagpasyang aksyon na ito ay sumasalamin sa malinaw na patakaran ng Pangulo: hindi kukunsintihin ng Pilipinas ang mga dayuhang kriminal na nagsasamantala sa ating pagiging bukas, umaabuso sa ating mga batas, at bumibiktima sa mga inosenteng tao—mga Pilipino man o dayuhan," sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Ang lahat ng 17 indibidwal ay permanenteng na-blacklist at pinagbawalang makapasok muli sa Pilipinas.

Share:

Related Articles