Live
Back to Home
Regions

15 katao, 5 menor de edad huli sa pagpupuslit ng P77-M smuggled na sigarilyo sa Lanao del Sur

NI Alex dela Cruz

adminJune 20, 20261 min read0 viewsJun 20, 2026
15 katao, 5 menor de edad huli sa pagpupuslit ng P77-M smuggled na sigarilyo sa Lanao del Sur

SINALAKAY ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang bodegang  nagpupuslit ng illegal na sigarilyo  sa baybaying lugar ng Barangay Liyangan, Picong, Lanao del Sur.

Tinatayang  P77.1 milyong halaga ng sigarilyo ang narekober matapos magsagawa ng operasyon ang CIDG Regional Field Unit ng Bangsamoro Autonomous Region (BAR), CIDG Cotabato City Field Unit, CIDG Maguindanao Provincial Field Unit, PNP Special Action Force, Regional Intelligence Unit 15, Police Regional Office BAR, Philippine Army noong Hunyo 15, 2026, bandang alas-3:00 ng umaga.

Base sa ulat na nakarating kay PMGen Robert AA Morico II, Director ng CIDG, nasagip ang limang (5) menor de edad na batang nasa  9 hanggang 14 na taong gulang na tumutulong sa pansamantalang bodega.

Habang naaresto naman ang labinlimang (15) suspek na residente ng Brgy. Limbayan, Bongo Island, Parang, Maguindanao del Norte habang  sila ay nagkakarga at naghahakot ng mga umano'y smuggled na sigarilyo.

Kumpiskado ang tinatayang 1,804 na master cases at 139 reams ng iba't ibang sigarilyo na may tinatayang halaga na PhP77,197,095.00.

Dadalhin ng mga awtoridad ang limang menor de edad sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) para sa wastong disposisyon habang ang mga naarestong suspek ay kinasuhan sa National Prosecution Service ng mga paglabag sa Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines), Republic Act No. 10643 (The Graphic Health Warnings Law) at Republic Act No. 12022 (Anti-Agricultural Sabotage Act).

Share:

Related Articles