Interest free-loan para sa requirements na papaalis na OFW inihain ni Erwin Tulfo
NAGHAIN si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Sen. Erwin Tulfo ng panukalang batas na magbibigay ng interest-free loan para sa mga OFWs. Sa ilalim ng Senate Bill No. 1696 o ang “OFW Pre-Em

NAGHAIN si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Sen. Erwin Tulfo ng panukalang batas na magbibigay ng interest-free loan para sa mga OFWs.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1696 o ang “OFW Pre-Employment Loan Assistance Act,” ang mga OFW na may valid contract ay pwedeng humiram ng hanggang ₱100,000. Prayoridad ditto ang mga "first-time" OFW na sasailalim din sa libreng financial literacy seminar bago lumipad pa-ibang bansa.
“Bilyon-bilyong dolyar ang ambag ng mga OFW sa ating ekonomiya, pero madalas mag-isa lang silang nagkakandakuba sa hirap para lang makalikom ng pambayad sa pre-departure requirements nila,” ani Tulfo.
Pagbabahagi pa ng Senador, “Maraming OFWs ang lumalapit sa aming Action Center para humanap ng pambayad sa mga requirements na ito at kadalasan, kumakapit na sila sa mga loan sharks para lang makakuha ng pambayad sa mga pre-departure fees.”
Kasama sa mga babayaran ng nasabing loan ang placement fees, medical exam, training, passport, visa, at pati na airfare, at iba pa.
Kapag naisabatas ito, ang Department of Migrant Workers (DMW) at OWWA ang mamamahala sa programang ito.
Walang interes ang loan sa loob ng unang taon ng pagbabayad. Para masiguradong mababayaran, kailangang maging "co-borrower" ang kahit isang kapamilya ng OFW. Ang mga baguhan o first-time OFWs naman ay pwedeng bayaran ang utang sa loob ng 18 buwan at maaaring mailagay sa priority access ng loan program at mabibigyan ng free financial literacy training.
“Karaniwang kwento na ng ating mga OFW na kahit malaki ang kita sa abroad, lubog pa rin sila sa utang sa Pilipinas dahil walang alam sa tamang paghawak ng pera,” paliwanag ni Tulfo.
“Ang gusto natin, ang ating mga kababayan na nagsasakripisyong malayo sa pamilya ay magkaroon ng magandang buhay na pangmatagalan. Dapat sila na ang last na magiging OFW sa pamilya nila na ang mga anak at apo nila ay di na mapepwersang mangibang-bansa,” pagtatapos ng mambabatas.
Related Articles

Pagpasa ng Tax relief target ng House ngayong Agosto
NI Cyrill Quilo

'Wala akong nilabag na batas, handa akong patunayan'-- Romualdez
NI Cyrill Quilo

Warrant of arrest inilabas ng Sandiganbayan laban sa 2 Congtratista
PORMAL nang naglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kina USWAG Ilonggo Party-list Rep. James “Jojo” Ang Jr. at dating Sultan Kudarat Representative Arnulfo Go kaugnay ng magkahiwalay na
