Live
Back to Home
Nation

Taas-pasahe sa transportasyon pinasuspindi ni PBBM

PINASUSUPINDI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng Miyerkules ang planong pagtaas ng pamasahe dahil sa hindi ngayon ang tamang panahon para magpataw ng karagdagang gastos ng mga mangga

adminMarch 18, 20261 min read0 viewsMar 18, 2026
Taas-pasahe sa transportasyon pinasuspindi ni PBBM

PINASUSUPINDI ni  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng  Miyerkules ang  planong pagtaas ng pamasahe dahil sa hindi ngayon ang tamang panahon para magpataw ng karagdagang gastos ng  mga manggagawa, estudyante, at mga commuter na umaasa  sa transportasyon.

Pinapaliban muna ng Pangulo sa Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng pagtaas ng pamasahe upang hindi na aniya makadagdag pa sa matinding dagok ng mga mamamayan ang pasanin habang tinitiyak sa mga transport worker ang karagdagang suporta ng gobyerno.

Sa isang video message ni Pangulong Marcos tinitiyak nito sa mga transport operator at driver na palalawakin ng gobyerno ang mga hakbang sa suporta, kabilang ang paglulunsad ng libreng sakay sa buong bansa, mga diskwento sa pamasahe sa mga sistema ng MRT at LRT, at pagbawas ng toll fee, upang makatulong na mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pandaigdigang kawalan ng katiyakan.

Aniya , “I-postpone na muna natin ‘yan dahil nasa gitna tayo nitong sitwasyon na ito na kailangan ay patuloy ang ating pag-alalay sa ating mga commuters, sa lahat ng ating manggagawa, mga estudyante, lahat ng gumagamit ng ating transport system,”

Upang mapawi ang pangamba sa sektor ng transportasyon ng bansa, nangako ang Pangulo ng karagdagang suporta ng estado para pagaanin ang mga epekto ng pagsasaayos ng presyo ng langis.

Share:

Related Articles