Live
Back to Home
Metro

Babaeng Chinese na sangkot sa money laundering ipapadeport ng BI

INARESTO ng Bureau of Immigration ang wanted na babaeng Chinese dahil sa kasong money laundering noong Marso 7 sa Arnaiz Ave sa Makati City. Tinukoy ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang babaeng s

adminApril 18, 20261 min read0 viewsApr 18, 2026
Babaeng Chinese na sangkot sa money laundering ipapadeport ng BI

INARESTO ng Bureau of Immigration ang  wanted na babaeng Chinese dahil sa kasong money laundering  noong Marso 7 sa Arnaiz Ave sa Makati City.

Tinukoy ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang babaeng suspek na si Xu Yinling, 35 anyos  matapos ilabas ang isang mission order ng BI .

Si Xu ay wanted sa China at  may pending na detention warrant na inisyu ng Beilun Branch ng Ningbo Public Security Bureau noong Marso 24, 2022, para sa krimen ng Money Laundering.

Base sa ulat mula sa mga awtoridad ng China,  na si Xu ay nakikipagsabwatan sa ilang mga kasamahan at  nagpadali sa paglilipat ng mga ilegal na kita sa pamamagitan ng mga underground banking channel bilang bahagi ng isang pinaghihinalaang operasyon ng money laundering.

Lumipat si Xu sa Pilipinas upang maiwasan ang pagharap sa mga kasong isinampa laban sa kanya hanggang sa maaresto ng fugitive search unit (FSU) ng BI at ngayon ay ipapadeport na sa kanilang bansa.

Share:

Related Articles