Live
Back to Home
Metro

34 PUVs sumali sa INC rally, inisyuhan ng show cause order ng LTFRB

NI Miguel Alfonso

adminJuly 1, 20261 min read0 viewsJul 1, 2026
34 PUVs sumali sa INC rally, inisyuhan ng show cause order ng LTFRB

NAGLABAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order laban sa 34 na operator ng mga pampublikong sasakyan (PUV) na hindi bumiyahe sa kanilang mga ruta at sa halip ay nakita sa mga lugar ng rally sa Quezon City.

Kabilang sa mga SCO na inisyuhan  ng LTFRB ang mga operator ng mga yunit na kinabibilangan ng mga bus at UV Express.

Bagama't lubos na iginagalang ng LTFRB ang karapatan ng bawat tao na sumali sa kilos protesta upang maghain ng mga hinaing, sinabi ng ahensya na may ilang mga bagay na dapat ding isaalang-alang lalo na para sa kapakanan ng publiko.

Sa kaso ng mga operator, ipinaliwanag ng LTFRB na naapektuhan nito ang ilang mga commuter na umaasa sa mga serbisyo ng mga operator ng PUV.

Nakasaad sa SCO ng LTFRB na ang desisyon ng mga operator na huwag mag-operate noong Martes ay nakaapekto sa pagkakaroon ng serbisyo ng pampublikong transportasyon para sa mga sumasakay na publiko.

Ito, aniya, ay paglabag sa Talata 3 ng Memorandum Circular No. 2011-004.

Hiniling sa 34 na operator na ipaliwanag sa pamamagitan ng notaryong sulat kung bakit hindi dapat suspindihin o kanselahin ang kanilang permit to operate.

Ang pagdinig para sa kaso ay nakatakda sa Hulyo 9.

Share:

Related Articles