Live
Back to Home
Metro

Australian national timbog sa P27-M droga sa NAIA

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport ang isang pasaherong Australian national na nag tangkang magpuslit ng droga na naglalaman ng ang humigit-kumulang 4,008 gramo

adminFebruary 24, 20261 min read0 viewsFeb 24, 2026
Australian national timbog sa P27-M droga sa NAIA

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport ang isang pasaherong Australian national na nag tangkang magpuslit  ng droga na naglalaman ng ang humigit-kumulang 4,008 gramo ng methamphetamine na tinatayang may halaga na ₱27,254,400 na itinago sa hand-carry baggage sa Pasay City.

Natimbog ng BOC-NAIA, PDEA, at ng NAIA Inter-Agency Drug Task Group (NAIA-IADTG), ang pasahero na dumating noong ika-19 ng Pebrero 2026 na may dalang droga  at agad na inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at kasalukuyang sumasailalim sa mga paglilitis sa inquest at prosekusyon.

Binigyang-diin ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na ang patuloy na pagpapatupad at kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ay nananatiling mahalaga sa pagpigil sa mga international airport na mapagsamantalahan ng mga network ng drug trafficking.

Nananatiling nakatuon ang Bureau of Customs sa pagpapanatili ng mahigpit na kontrol sa border  at mapanatili ang seguridad sa bansa.

Share:

Related Articles