Live
Back to Home
Regions

P151-M smuggled sigarilyo nasabat; 4 tiklo sa Davao del Norte

NI Miguel Alfonso

adminJuly 25, 20261 min read3 viewsJul 25, 2026
P151-M smuggled sigarilyo nasabat; 4 tiklo sa Davao del Norte

APAT na lalaki ang naaresto matapos masabat ng CIDG at iba pang law enforcement agencies ang 2,038 master cases ng umano'y smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱150.95 milyon sa Brgy. Busaon, Tagum City, Davao del Norte.

Isinagawa ang operasyon mula gabi ng Hulyo 21 hanggang Hulyo 22, sa pangunguna ng CIDG Davao del Norte Provincial Field Unit, katuwang ang CIDG Davao de Oro PFU, Coast Guard Intelligence Group Southeastern Mindanao (CGIGSEM), Bureau of Internal Revenue (BIR) Region XI, at mga yunit ng PNP.

Bukod sa mga sigarilyo, nakumpiska rin ang tatlong sasakyan na umano'y ginamit sa pagdadala ng mga kontrabando.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Share:

Related Articles