Back to Home
MetroBREAKING
La Mesa dam, umabot na sa spilling level; Mababang lugar sa Tullahan River, binabantayan
NI Angela TrinidadAugust 29, 20261 min read10 viewsAug 29, 2026

UMABOT na sa spilling level ang tubig sa La Mesa Dam nitong Sabado ng alas-6 ng gabi, Agosto 29, 2026, na nagbabanta sa mga mabababang lugar na malapit sa Tullahan River.
Naitala sa 80.33 metro ang water level ng dam, dahilan upang paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng pag-apaw ng tubig.
Pinapayuhan ang mga residente sa Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway at San Bartolome na maging alerto at agad na lumikas kung kinakailangan, lalo na kung patuloy na tataas ang tubig.
Nagbabala rin sa publiko na huwag balewalain ang mga abiso ng mga awtoridad at unahin ang kaligtasan sakaling magkaroon ng pagbaha.
Para sa mga nangangailangan ng tulong o nasa emergency, maaaring tumawag sa QC Helpline 122.
#METRO
Share:



