Back to Home
Metro
50 endangered tortoise kumpiskado sa pasaherong Malaysian sa NAIA
NI Len DancelJune 16, 20261 min read10 viewsJun 16, 2026

NASABAT ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang limampung (50) buhay na endangered na tortoise na nakatago sa bagahe ng isang pasaherong Malaysian na dumating mula sa Bangkok noong Hunyo 12, 2026.
Natuklasan ang mga iba’t-ibang uri ng imported na pagong sa loob ng bagahe matapos isalang sa x-ray.
Natukoy ang mga uri ng pagong na Radiated at Indian Star, na protektado sa ilalim ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES).
Agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng BOC sa Environmental Protection and Compliance Division (EPCD), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Bureau of Animal Industry (BAI). Ang mga nakumpiskang wildlife ay dokumentado, inimbentaryo, at ibinigay sa DENR para sa wastong pangangalaga.
Nasa kustodiya na ngayon ng BOC ang pasahero at sumasailalim sa inquest proceedings para sa mga paglabag sa Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) at Modernization and Tariff Act (RA 10863).
Share:
Related Articles

Metro
Commonwealth, uminit bago ang SONA; Ilang raliyista, arestado
SUMIKLAB ang tensiyon sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes matapos magkasagupaan ang mg
2 min3
Jul 27, 2026
Metro
Pekeng Mugshot ng 2 suspek, ipinaiimbestigahan ng PNP
NI Edward Villoso
1 min3
Jul 27, 2026
Metro
DOJ niyanig ng pagsabog; Senado binulabog ng bomb scare
Ni Alex dela Cruz
1 min3
Jul 27, 2026