Retasong damit ni Imee sa SONA, simbolo ng 'gutay-gutay' na kalagayan ng bansa
NI Len Dancel

RETASONG tela ang ginawang kasuotan ni Sen. Imee Marcos sa pagdalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Hulyo 27.
Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ng senadora ang kahulugan ng kanyang kasuotan.
"Ang damit ko puro retaso, parang bansa natin—gutay-gutay, hiwa-hiwa, biyak-biyak, tira-tira!" saad ni Imee.
Ibinahagi rin niya na luma at kupas ang kanyang bag, habang ang kanyang hikaw ay walang kapares. Nilagyan din niya ito ng mga larawan ng kanilang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
"Ang bag ko kumupas na nga, luma na, puro tira-tira, may earrings na walang kapares at nilagyan ko rin ng mga litrato ng aking ama na walang katulad," dagdag pa niya.
Ayon sa senadora, ang kanyang kasuotan ay sumasalamin sa aniya'y pira-piraso at maraming suliraning kinahaharap ng bansa.
Related Articles

Matibag: PDL products, simbolo ng pag-asa at bagong simula
Ni Cy Quilo

Cainta educator named first official candidate for Mrs. Philippines Asia Pacific 2026
BY Cy Quilo

Annual convention on Microbiology, Biotechnology set to gather science and technology stakeholders nationwide in Laguna
THE Philippine Society for Microbiology, Inc. (PSM), in collaboration with the Department of Science and Technology–CALABARZON (DOST-CALABARZON), will hold the 55th PSM Annual Convention and Scientifi
