Live
Back to Home
Metro

Lalaking nagmamaneho sa kalsada ng nakatayo, inisyuhan ng show cause order ng LTO

NI Alex dela Cruz

adminApril 3, 20261 min read0 viewsApr 3, 2026
Lalaking nagmamaneho sa kalsada ng nakatayo, inisyuhan ng show cause order ng LTO

INISYUHAN na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order ang may-ari at driver ng Toyota Raize na nag-viral  dahil sa pagmamaneho ng nakatayo na nakuhaan  ni “Dantoy TV”noong ika-2 ng Abril 2026. 

Sa nasabing video, makikita ang sasakyan na minamanehong driver ng nakatayo na animo’y naglalaro sa kalsada na lubhang mapanganib sa mga motorista.

Agad na ipinag-utos ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang SCO  laban sa  driver na ibigay ang kanyang lisensya  at suspindihin ito sa loob ng 90 araw. Nakalagay rin ang kanyang sasakyan sa alarma habang ito iniiimbestigahan.

Hinihiling sa mga nasasangkot na harapin ang Office of Intelligence and Investigation Division sa LTO at magsumite ng pormal na paliwanag kasama ang mga kaukulang dokumento para patunayan kung bakit hindi dapat parusahan ang driver dahil sa paglabag sa Reckless Driving at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Maaari din sila kumuha ng abogado sa araw ng pagdinig ng kaso.

Babala ng LTO na ang kawalan ng paglahok ay ituturing na pagsang-ayon na ipagpatuloy ang pagsisiyasat at ang kaso ay pagpapasiyahan batay sa ebidensyang hawak ng ahensya.

Patuloy na nagbabantay ang LTO para sa kaligtasan ng lahat sa kalsada ngayon Semana Santa.

Share:

Related Articles