Live
Back to Home
Nation

Magkaisa laban sa fake news-- Speaker Dy

NI Cyrill Quilo

adminJuly 27, 20261 min read0 viewsJul 27, 2026
Magkaisa laban sa fake news-- Speaker Dy

UMAABOT na sa 85 porsiyento ng mga Pilipinong nasa wastong gulang ang gumagamit ng internet, habang 72 porsiyento ang naniniwalang malaking problema sa bansa ang disinformation, batay sa pinakahuling Pulse Asia survey.

Sa pagbubukas ng ikalawang Regular Session  ng 20th Congress  ngayong umaga ng Hulyo 27,  2026 ipinanawagan ni  House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa publiko na pairalin ang katotohanan at huwag hayaang ang fake news sa social media ang humubog sa kanilang paniniwala.

"Huwag nating hayaang ang ingay ng social media ang humubog sa ating paniniwala. Pairalin natin ang katotohanan kaysa fake news, pag-unawa kaysa galit, at pagkakaisa kaysa pagkakahati-hati," ani Dy .

Iginiit din ng Speaker na dapat maprotektahan ang kabataan laban sa mapaminsalang online content, kabilang ang karahasan at kabastusan.

Binanggit niya na naaprubahan na ng Kamara ang Digital Media Anti-False Information Act at Child Online Safety and Protection Act of 2026. Isinusulong din niya ang Children's Social Media Safety Act na magbabawal sa mga batang wala pang 13 taong gulang na gumamit ng social media.

Share:

Related Articles