Live
Back to Home
Regions

Construction worker na may 15 counts rape sa menor de edad, timbog sa Laguna

NI Alex dela Cruz

adminJune 16, 20261 min read0 viewsJun 16, 2026
Construction worker na may 15 counts rape sa menor de edad, timbog sa Laguna

TIMBOG ang No. 2 Regional Most Wanted Person sa  Police Regional Office 2 (PRO2) ng Philippine National Police (PNP) ang isang construction worker  na may 15 counts  na kaso ng Qualified Rape sa isang menor de edad  sa Barangay Palo-Alto, Calamba City, Laguna.

Natukoy ng  mga otoridad ang 36-taong-gulang na suspek na isang construction worker at residente ng Ilagan City, Isabela matapos  isagawa ang manhunt operation noong Hunyo 14, 2026.

Nahuli ang suspek  sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 18, Ilagan City, Isabela, para sa 15 counts ng Qualified Rape laban sa menor de edad at  walang inirekomendang piyansa.

 Ang operasyon ay pinangunahan ng Alicia Municipal Police Station, kasama ang suporta ng Isabela Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 2, at Regional Intelligence Unit 2.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya ng Alicia Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pagkumpleto ng mga legal na proseso bago ibigay sa korte na naglabas ng warrant.

Share:

Related Articles