Live
Back to Home
Metro

DOJ niyanig ng pagsabog; Senado binulabog ng bomb scare

Ni Alex dela Cruz

adminJuly 27, 20261 min read3 viewsJul 27, 2026
DOJ niyanig ng pagsabog; Senado binulabog ng bomb scare

ISANG pagsabog  ang naganap na hinihinalang improvised explosive device (IED) sa tapat ng pasukan ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura Street, Ermita, bandang 12:17 a.m. nitong Hulyo 27.

Ayon sa DOJ, wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Agad ding  rumesponde ang Philippine National Police-Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) Unit upang magsagawa ng technical examination sa pinangyarihan.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan, uri, at dahilan ng pagsabog.

Tiniyak naman ng DOJ na kontrolado na ang sitwasyon at nananatiling ligtas ang kanilang tanggapan habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.

Samantala, natagpuan rin improvised explosive device sa bahagi ng  J.W. Diokno Boulevard, Pasay City na kung saan malapit sa gusali ng Senado.

Agad itong inalis ng mga awtoridad at kasalukuyang iniimbestigahan  matukoy kung may koneksyon ito sa dalawang inisdente ng pagpapasabog.

Share:

Related Articles