Live
Back to Home
Regions

2 babae, Vietnamese huli sa pagbebenta ng higit P24K ilegal na cosmetic products sa Angeles City

NI Ed Villoso

adminMay 12, 20261 min read0 viewsMay 12, 2026
2 babae, Vietnamese huli sa pagbebenta ng higit P24K ilegal na cosmetic products sa Angeles City

TATLONG  babae kabilang ang isang Vietnamese  ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa  pagbebenta ng mga illegal na pampaganda sa isang beauty clinic sa Mc Arthur Highway, Balibago, Angeles City, Pampanga nitong Mayo 7 ng hapon .

Nagsagawa ang CIDG Angeles City Field Unit, kasama ang Philippine Air Force (PAF), Armed Forces of the Philippines (AFP) intelligence unit ng operasyon para sa beauty clinic kung saan naaresto sina alyas "Phan", ang manager na Vietnamese, kasama ang mga empleyadong sina  alyas "Aida" at "Kim".

nakumpiska ang iba't ibang hindi rehistradong mga produktong cosmetics  at pampaganda - injectable skincare, whitening cream, hair care treatment, bitamina at supplement, chemical peeling agents, herbal products at iba pang mga medical supplies na tinatayang nagkakahalaga ng PhP 247,250.00.

Isang ulat na nakarating kay PMGen Robert AA Morico II, ang Director ng CIDG huli ang mga ito sa pag-iimbak at pagbebenta ng mga produktong kcosmetic products  at pampaganda na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) at walang License to Operate (LTO)

Nagpaalala ang CIDG sa publiko na iulat ang mga kahina-hinalang retailer o pinaghihinalaang mga pasilidad ng imbakan ng mga pekeng produkto .

Share:

Related Articles