116K toneladang basura nahakot ng SMC sa nilinis na San Juan River
MAHIGIT 116,000 metrikong tonelada ng basura at banli k ang naalis ng San Miguel Corporation (SMC) sa San Juan River sa loob ng 10 buwan bilang bahagi ng maintenance cleanup na layong mapabuti ang dal

MAHIGIT 116,000 metrikong tonelada ng basura at banlik ang naalis ng San Miguel Corporation (SMC) sa San Juan River sa loob ng 10 buwan bilang bahagi ng maintenance cleanup na layong mapabuti ang daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa San Juan, Maynila, Mandaluyong, at Quezon City.
Ayon sa SMC, umabot na sa 116,157 metrikong tonelada ang nahakot sa 6.1 kilometrong bahagi ng ilog mula Pasig River hanggang Talayan, Quezon City. Kasunod ito ng mas malawak na rehabilitasyon mula 2022 hanggang 2024 kung saan mahigit 322,000 metrikong tonelada ng basura at banlik ang inalis sa buong 7.6-kilometrong San Juan River.
Sinabi ni SMC Chairman at CEO Ramon S. Ang na mahalaga ang regular na paglilinis upang hindi muling mabarahan ang ilog dahil sa pagtatapon ng basura at upang mapanatiling maayos ang pagdaloy ng tubig, lalo na sa tag-ulan.
Dagdag pa niya, walang gastos ang pamahalaan sa proyekto dahil sagot ito ng SMC sa ilalim ng Better Rivers PH program, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at ang Oplan Kontra Baha ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Bukod sa San Juan River, nagpapatuloy rin ang paglilinis ng SMC sa Tullahan River, Bulacan River System, mga ilog sa Laguna, at kamakailan ay sinimulan na rin ang rehabilitasyon ng Butuanon River sa Mandaue City, Cebu. Sa nakalipas na anim na taon, umabot na sa 9.3 milyong metrikong tonelada ng basura at banlik ang naalis ng kumpanya sa mahigit 201 kilometro ng mga daluyan ng ilog sa bansa.
Related Articles

Commonwealth, uminit bago ang SONA; Ilang raliyista, arestado
SUMIKLAB ang tensiyon sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes matapos magkasagupaan ang mg

Pekeng Mugshot ng 2 suspek, ipinaiimbestigahan ng PNP
NI Edward Villoso

DOJ niyanig ng pagsabog; Senado binulabog ng bomb scare
Ni Alex dela Cruz
