Live
Back to Home
Regions

3 katao nawawala sa gumuhong landfill sa Rizal

NI Alex dela Cruz

adminFebruary 23, 20261 min read0 viewsFeb 23, 2026
3 katao nawawala sa gumuhong landfill sa Rizal

TATLONG katao ang naiulat na nawawala matapos gumuho ang isang tambak ng basura sa sanitary landfill sa Barangay San Isidro sa Rodriguez, Rizal noong Biyernes ng hapon.

Base sa ulat ng awtoridad, nangyari ang insidente nang  naganap sa tipping area ng Rodriguez municipal landfill sa Sitio Pintor alas-4 ng hapon noong Biyernes.

Agad namang  ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources ang agarang imbestigasyon sa insidente makaraang iulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Rizal ang nasabing pagguho.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsususri sa lawak ng erosion at bineberipika pa ang mga pangalan ng nawawalang indibidwal  habang pansamantalang isinara ang bahagi ng landfill na pinangyarihan .

Share:

Related Articles