Pekeng Mugshot ng 2 suspek, ipinaiimbestigahan ng PNP
NI Edward Villoso

ITINANGGI ng Philippine National Police (PNP) na sila ang naglabas ng kumakalat na unblurred mugshots ng dalawang suspek sa pagpatay sa isang vlogger.
Ayon sa PNP, binago ang mga larawan, kabilang ang facial features at petsa, at hindi ito tugma sa opisyal na booking photos na nasa kanilang rekord. Iginiit ng PNP na mahigpit nilang sinusunod ang tamang proseso sa paglalabas ng mga opisyal na larawan at impormasyon.
Iniimbestigahan na rin ng PNP kung paano kumalat ang mga naturang larawan. Kapag napatunayang may paglabag, magsasagawa sila ng kaukulang administratibo o legal na aksyon.
Hinimok din ng PNP ang publiko na tumingin lamang sa mga opisyal at beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Related Articles

Commonwealth, uminit bago ang SONA; Ilang raliyista, arestado
SUMIKLAB ang tensiyon sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes matapos magkasagupaan ang mg

DOJ niyanig ng pagsabog; Senado binulabog ng bomb scare
Ni Alex dela Cruz

