Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Regions

5 Katao kulong sa P2.47M halagang cooking oil

NI Tony CastilloAugust 29, 20261 min read1 viewsAug 29, 2026
5 Katao kulong sa P2.47M halagang cooking oil

LIMANG katao ang arestado at mahigit P2.4 milyon halaga ng cooking palm oil ang nasamsam ng pulisya sa operasyon sa Nabua, Camarines Sur noong Agosto 26.

Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at iba pang operating units ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon sa bisa ng search warrant kaugnay ng umano’y paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drugs Administration Act of 2009.

Nasabat sa operasyon ang iba’t ibang lalagyan na naglalaman ng tinatayang 76 kilo at 56.4 litro ng cooking palm oil, kasama ang tatlong digital weighing scale, isang closed van at mga dokumento na may kaugnayan sa operasyon.

Ang limang naaresto samantalang isa namang suspek ang nakatakas.

Dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensiya sa CIDG Camarines Sur Provincial Field Unit para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa mga naaresto.

Ayon kay Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., patuloy na kikilos ang PNP laban sa mga gawaing maaaring maglagay sa panganib sa kaligtasan at kapakanan ng publiko.

Share:

Related Articles