Live
Back to Home
Regions

P4-M halaga ng alahas nanakaw sa pawnshop sa Batangas

NI Alex dela Cruz

adminApril 8, 20261 min read0 viewsApr 8, 2026
P4-M halaga ng alahas nanakaw sa pawnshop sa Batangas

TUMATAGINTING na P4-milyong halaga ng mga alahas ang nanakawan sa isang pawnshop sa Calatagan, Batangas .

Ayon sa salaysay ng isang empleyado , natuklasan niya ang pagnanakaw noong Lunes ng umaga, Abril 6, nang siya ay pumasok sa trabaho.

Nakita rin niya sa lugar ang isang hinukay na  lupa sa ilalim ng mesa at  sementadong sahig

Tumambad rin ang nakabukas na vault  doon kung saan nakalagay ang mga alahas .

Nawawala ang mga alahas na tinatayang nagkakahalaga ng P4 milyon .

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,  nakapasok ang mga suspek sa pamamagitan ng paghuhukay at pagdaan sa isang kanal na kalapit na lugar.

Share:

Related Articles