Live
Back to Home
Regions

Lalaking nagblackmail sa ex-GF inaresto ng NBI

NI Alex dela Cruz

adminMay 24, 20262 min read0 viewsMay 24, 2026
Lalaking nagblackmail sa ex-GF inaresto ng NBI

.Arestado ang isang lalaki sa entrapment operation dahil sa pagbabantang  ipapakalat umano ang masesdelang larawan ng kanyang ex-GF kapag hindi sumama ito sa Summit Hotel sa Naga City.

Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamong isinampa laban sa suspek na kanya umanong dating  kasintahan dahil sa pagpilit at pagbabanta  sa kanya na ipakakalat umano ang mga hubad na  litrato sa social media at internet kung hindi siya susunod sa kanyang mga hinihingi.

Dahil sa takot ng pagbabanta humingi ng tulong ang nagrereklamo sa NBI-NADO.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga operatiba ng NADO at  ng mapatunayan ay agad na nagplano ng isang entrapment operation upang mahuli ang subject habang ginagawa ang krimen.

Base sa  nagrereklamong babae ay inutusan siya ng dating karelasyon na mag check-in  sa Summit Hotel Naga,.

Ang mga operatiba naman ay pumwesto sa lobby ng hotel habang inaantay ang suspek at tumuloy sa kwarto ng babaeng biktima.

Huli sa akto ang suspek habang tinatakot at pinipilit ang  babae kaya naman agad itong inaresto ng mga operatiba.

Agad siyang inaresto, ipinaalam ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon, at dinala sa Prosecutor's Office of Naga City upang samapahan ng kasong Grave Coercion at 2 counts na Violence Against Women and Children

INARESTO ng NBI Naga District Office (NADO) ang isang indibidwal sa isang entrapment operation na isinagawa sa Summit Hotel Naga dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9262.

Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamong isinampa laban sa suspek na kanya umanong dating  kasintahan dahil sa pagpilit at pagbabanta  sa kanya na ipakakalat umano ang mga hubad na  litrato sa social media at internet kung hindi siya susunod sa kanyang mga hinihingi.

Dahil sa takot ng pagbabanta humingi ng tulong ang nagrereklamo sa NBI-NADO.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga operatiba ng NADO at  ng mapatunayan ay agad na nagplano ng isang entrapment operation upang mahuli ang subject habang ginagawa ang krimen.

Base sa  nagrereklamong babae ay inutusan siya ng dating karelasyon na mag check-in  sa Summit Hotel Naga,.

Ang mga operatiba naman ay pumwesto sa lobby ng hotel habang inaantay ang suspek at tumuloy sa kwarto ng babaeng biktima.

Huli sa akto ang suspek habang tinatakot at pinipilit ang  babae kaya naman agad itong inaresto ng mga operatiba.

Agad siyang inaresto, ipinaalam ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon, at dinala sa Prosecutor's Office of Naga City upang samapahan ng kasong Grave Coercion at 2 counts na Violence Against Women and Children

Share:

Related Articles