Live
Back to Home
Metro

Irish national na nagwala matapos ma-tow ng MMDA ang sasakayan, ipina- deport ng BI

NI Miguel Alfonso

adminJuly 15, 20261 min read0 viewsJul 15, 2026
Irish national na nagwala matapos ma-tow ng MMDA ang sasakayan, ipina- deport ng BI

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 64-taong-gulang na Irish national na nag-viral sa social media matapos niyang atakihin ang isang tow truck makaraang  magsagawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng  operasyon sa mga illegal na nakaparadang sasakyan.

Tinukoy ng BI intelligence si Michael Patrick Oreilly, 64-anyos na inaaresto  noong  Hulyo 13 sa Camp Caringal sa Quezon City matapos niyang lumabag sa pagpapanatili sa bansa  at hindi kanais-nais na dayuhang mamamayan.

Matapos arestuhin, sumailalim si Oreilly sa booking procedure bago inilipat sa BI Warden Facility sa Muntinlupa City, kung saan siya ay nananatili sa ilalim ng kustodiya ng Bureau habang hinihintay ang proseso ng deportasyon.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga dayuhang mamamayan na nananatili sa bansa ay inaasahang susunod sa mga batas ng Pilipinas at magiging responsable sa kanilang mga gawain.

Share:

Related Articles