Live
Back to Home
Regions

Nanay, 4-anyos na bata minartilyo ng menor de edad sa San Pablo City

NI Alex dela Cruz

adminMay 25, 20261 min read0 viewsMay 25, 2026
Nanay, 4-anyos na bata minartilyo ng menor de edad sa San Pablo City

DEAD on the spot  ang isangina habang pumanaw na din ang isang  4 na taong gulang na batang lalaki makaraang pupukin ng martilyo ang mga ito sa kanilang tirahan sa Patria Subd  Barangay Del Remedios sa San Pablo, Laguna.

Natukoy ng mga otoridad ang mag-inang nasawi na sina alyas Maria 32 at anak nito na s alyas Kid 4, habang isang m,enor de edad naman ang lalaking suspek.

Base sa ulat ng San Pablo Component  City Police Station natagpuang naliligo sa sariling dugo ang mag-ina at patay na ito  bandang alas – 11:50 kagabi  habang agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang batang lalaki na nasa kritikal na kondisyon na kalaunan ay binawian na din ng buhay sa pagamutan ang bata.

Lumalabas sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na nagtanim ng sama ng loob ang menor de edad na suspek dahil sa palaging nabubulyawan ito ng bitima.

Sa tindi ng sama ng loob ay sinugod ito ng suspek at saka pinagpapalo ng martilyo ang biktimang ginang at nadamay na din ang batang apat na taong gulang.

Kaagad din namang nadakip ang suspek na nakilala sa alyas Pat 14 anyos,  kaninang madaling -araw makaraang matagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang isang  duguang T- shirt na umano ay pag-aari ng suspek.

Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang nasa kostodiya na ng DSWD .

Share:

Related Articles