Live
Back to Home
Regions

P22-M halamang Marijuana sinilaban sa Cordillera

NI Alex dela Cruz

adminApril 12, 20261 min read0 viewsApr 12, 2026
P22-M halamang Marijuana sinilaban sa Cordillera

TINATAYANG mahigit ₱22.8 milyong halaga ng mga halaman ng marijuana ang winasak sa loob ng isang linggong kampanya sa Cordillera Administrative Region mula Abril 6 hanggang 12, 2026, ayon sa  Philippine National Police (PNP).

Aabot sa tinatayang ₱22,856,305.00 halaga ang nakumpiskang mga  marijuana sa isinagawang 18 operasyon habang isang indibidwal ang naaresto

 Sinilaban ng mga awtoridad  ang 71,873 ng mga halamang marijuana, 22 punla, at humigit-kumulang 70,610 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana at mga namumunga.

Karamihan sa mga plantasyon ay matatagpuan sa mga lugar na mahirap puntahan sa Benguet, kung saan ang mga awtoridad ay nakakuha ng humigit-kumulang ₱18 milyong halaga ng marijuana at ang pagkaaresto sa suspek. Sa Kalinga, ang mga halaman ng marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱4.8 milyon ay binunot at sinira rin.

Binigyang-diin ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na mananatiling walang humpay ang mga operasyon, lalo na sa mga kilalang cultivation areas.

“Tuloy-tuloy ang operasyon natin laban sa ilegal na droga, lalo na sa mga pinanggagalingan nito.Kapag sinira natin ang taniman, pinipigilan na natin agad ang pagkalat ng ilegal na droga,” dagdag pa nito.

Share:

Related Articles