Ganda, husay ng mga Tomasino tampok sa ika- 360 taon ng Tomasinong Fiesta
BINIDA ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa Binibining Kulayaan Sto. Tomas 2026, isang patimpalak na bahagi ng pagdiriwang buong ikot na saya sa ika-360 na taon ng Tomasinong Fiesta, na naglalayong ipakita

BINIDA ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa Binibining Kulayaan Sto. Tomas 2026, isang patimpalak na bahagi ng pagdiriwang buong ikot na saya sa ika-360 na taon ng Tomasinong Fiesta, na naglalayong ipakita ang ganda at husay ng mga Tomasino.
Nilahukan ito ng 21 kalahok mula sa iba’t ibang barangay na nagpakitang-gilas sa kani-kanilang angking ganda at kakayahan. Sa huli, itinanghal na Champion si Andrea Montecarlo (Poblacion I), habang 1st Runner-up si Jayvee Perez (San Bartolome), 2nd Runner-up si Kim Macasadia Lapid (Sta. Elena), 3rd Runner-up naman si Elle Punzalan Carandang (San Isidro Sur), at 4th Runner-up si Kyle De Vera Cacao (Poblacion III).
Buong suporta naman ang ipinamalas ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM), kasama si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at ang Sangguniang Panlungsod, bilang patunay ng patuloy na pagsusulong ng isang inklusibo at makulay na lungsod para sa lahat.
Nagpapasalamat sa lahat ng nakibahagi, lalo na sa mga nagbigay ng suporta at sa mga sponsors ng special awards na naging bahagi ng matagumpay na patimpalak na ito.
Related Articles

Retasong damit ni Imee sa SONA, simbolo ng 'gutay-gutay' na kalagayan ng bansa
NI Len Dancel

Matibag: PDL products, simbolo ng pag-asa at bagong simula
Ni Cy Quilo

Cainta educator named first official candidate for Mrs. Philippines Asia Pacific 2026
BY Cy Quilo
