Live
Back to Home
Regions

11 Chinese nationals huli sa pagrerecycle ng mga hazardous materials sa Pampanga

NI Alex dela Cruz

adminMarch 14, 20261 min read0 viewsMar 14, 2026
11 Chinese nationals huli sa pagrerecycle ng mga hazardous materials sa Pampanga

KUMPISKADO sa labing-isang Chinese national ang mga hazardous materials na nagkakahalaga ng PhP19,514,100.00 matapos salakayin CIDG Regional Field Unit  ang isang pasilidad  sa Global Aseana Business Park 1, Brgy Dela Paz, San Simon, Pampanga nitong Marso 11 ng gabi.

Mula sa ulat na nakarating kay PMGen. Robert A Morico II, Director ng sinalakay ng pinagsanib  pwersa ng mga awtoridad, bitbit ang search warrant sa isang pasilidad na  kinaroroonan ng nagre-recycle ng mga luma at gumagamit ng mga baterya ng sasakyan upang kumuha ng lead na maaaring magdulot ng mga panganib sa kapaligiran at kalusugan ng publiko.

Narekober sa operasyon ang dalawang yunit ng battery crusher machines, limang Heli forklift, isang furnace (pugon), mga sirang baterya ng kotse, baterya ng e-bike, karbon, mga metal molde, at 8,950 kilo ng mga natapos na produktong lead, na may tinatayang kabuuang halaga na PhP19,514,100.00.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 13 (a) of Republic Act No. 6969 (Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste  Control Act of 1990 ang mga nahuling suspek.

Share:

Related Articles