Live
Back to Home
Nation

Pag-alis ng travel tax, aprubado na sa komite ng kongreso

Ni Cyrill Quilo

adminMarch 8, 20261 min read0 viewsMar 8, 2026
Pag-alis ng travel tax, aprubado na sa komite ng kongreso

APRUBADO  na ng House Ways and Means Committee ang panukalang batas sa pagsasaalis ng travel tax sa mga Pilipinong pasaherong manlalakbay ng bansa.

Sinabi ng chairman ng Ways and Means Committee at Marikina 2nd District Representative Miro Quimbo,  na siyang nagsusulong ng panukalang batas sa pag-alis ng travel tax  na umabot sa 49-taong-gulang na batas kung saan ay papakinabangan ng milyun-milyong Pilipinong manlalakbay na karamihan ay mga kabataan at middle class.

“Hindi natin maaaring payagan na maging regressive ang ating sistema ng pagbubuwis—na ang pondo para sa mga mahahalagang programa ng gobyerno ay nanggagaling sa bulsa ng mga ordinaryong Pilipino na nagsisikap lamang makaahon sa buhay,” sabi pa ni Quimbo.

Ang Pilipinas ang natatanging bansa sa Timog-Silangang Asya na patuloy na nagpapataw ng travel tax kaya naman isa itong hakbang na  prayoridad ng administrasyong Marcos sa pamamagitan ng kanyang anak na si  House Majority Leader na si Ferdinand Alexander ''Sandro'' Marcos.

Share:

Related Articles