Back to Home
Metro
Number coding scheme suspindido sa pagdiriwang ng Eid'l Adha
NAGLABAS ng abiso ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na susupindihin ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, araw ng Miyerkules, Mayo 27, 2026, na isang regular holiday, bi
adminMay 26, 20261 min read0 viewsMay 26, 2026

NAGLABAS ng abiso ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na susupindihin ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, araw ng Miyerkules, Mayo 27, 2026, na isang regular holiday, bilang paggunita sa Eid'l Adha o Feast of Sacrifice.
Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at special non-working holidays.
Nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na planuhing mabuti ang biyahe upang maiwasan ang anumang aberya at sumunod sa batas-trapiko .
Share:



